Sabado, Oktubre 1, 2011

HULI NA ANG LAHAT PARA SA AWA

Magandang araw po sa inyong lahat. Oh, bakit po? Bakit parang ang sama ng tingin niyo sa akin? May ginawa po ba akong masama sa inyo? Bakit po parang anlaki ng kasalanan ko sa inyo? Ah, alam ko na po, dahil nanaman po ba sa kung ano ako? Dahil ba sa isa akong pulubi? Dahil sa isa akong batang palaboy? Batang kung saan saan niyo lang ako nakikita? At dahil ba sa kasuotan ko? bakit? Dahil ang layo ng agwat ko sa inyo? Lagi naman ‘di ba? Pero kahit ganon, nirerespeto ko pa rin kayo. Pero ako, ‘di niyo magawang irespeto? Bakit kaya ‘di niyo subukang wag kumain ng ilang araw nang maranasan niyo kung gano kahirap ang buhay nang walang kasama?
            Ano? Tinatanong niyo kung nasan ang mga magulang at mga kaanak ko?  bakit? May pakialam ba kayo? Wala naman ‘di ba? Dahil naaawa kayo? Hindi rin naman ‘di ba? Ni minsan, hindi niyo kinaawaan ang isang musmos na katulad ko. hindi niyo kami nauunawaan. Ni minsan ay hindi niyo man lang tinanong kung okey lang ba kami? Kasi para sa inyo, salot ang isang katulad ko. salot sa lipunan. Pero kung tutuusin, hindi lahat nang mga pulubi o palaboy na katulad ko ay masama. Dahil kahit gano pa kami kadungis sa mga paningin ninyo, may mga kabutihan rin namna kaming itinatago. Alam kong nakikita niyo rin iyon, kahit gano namin kailangan ng pera, hindi namin nagagawang magnakaw o mandukot,.pero iyon ang alam ninyong lahat tungkol sa’min. hindi niyo alam na maskit para sa’min ang mga panghuhusga ninyo. Subalit hindi ko kayo masisisi kung ganyan nga ang tingin ninyo sa’min. ang bawat panghuhusga niyo ay buong tapang naming tinatanggap. Kahit hindi niyo alam ang lahat. Ang lahat sa likod ng mga gutay-gutay na mga kasuotan namin.
            Hinahanap niyo ang magulang ko? hindi ko alam. Ang alam ko lang, patay na ang aking ina nung pitong taong gulang ako. Namatay sa mabigat at malupit na kamay ng aking ama. Mula non, nagsimula akong mabuhay nang mag-isa. Naaalala ko pa ang mga habilin ng aking ina, “anak, kahit anong mangyari, wag na wag kang gagawa ng masama.” Iyan ang pinakamahalagang aral at habilin sa’kin ni mama. Ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi ko giagawa ang mga ibinibintang ninyo sa akin. Pero naniniwala ba kayo sa akin? Hindi! Kasi wala kayong paki alam. Ang tatay ko nga, walang paki alam sa akin eh, kayo pa kaya? Imposible,. 
            Kelan niyo ba tutulungan ang isang batang katulad ko? sadya bang kay lupit ng tadhana? Kelan niyo ba ako kaaawaan? Kealn niyo ba kami mauunawaan. Pag huli na ang lahat?
            Ngayon ay kita ko na ang habag sa inyong mga mata. awang matagal ko nang nais na makuha at makamit. Pero huli na. huli na para ako ay inyong kaawaan. Huli na ang lahat. Huling huli na.
            Para saan pa ang mga limos na ibinibigay ninyo kung hindi ko naman yan madadala sa aking patutunguhan. Hindi ko na yan madadala sa mahabang paglalakbay na aking tatahakin. Ang nais ko lang ngayon ay ang inyong awa, para sa mga aking maiiwan. Sa mga taong mas makikinabang niyan.
            Hindi ko man naransan ang mabuhay nang matiwasay, sa langit ay may kaligayahang sa’kin ay naghihintay. Paalam…


27 komento:

  1. Ano po ba yan...mamamatay na po sya diba...bakit po sya mamamatay? Anong dahilan? Please reply po

    TumugonBurahin
  2. PWEDENG GAMITIN pangdiclaim? okay lang po kung di pwede.

    TumugonBurahin
  3. maraming slmat po.. may magagamit na kaming piyesa para sa aking mag- aaral..

    TumugonBurahin
  4. Pwede po bang malaman kung sino ang may-akda at kung pwede po magamit pang-deklamasyon?

    TumugonBurahin
  5. Pwede po ba magamit sa interpretatibong pagbasa?

    TumugonBurahin
  6. Pwede bang magamit ang ubang parte ng monologong ito?

    TumugonBurahin
  7. pwede po bang gamitin ito para sa Finals namin?

    TumugonBurahin
  8. Iyan ay isang taong napaka rangal kaysa sa mga mayayaman na nang mamaliit Lang Hindi katolad Ng mga polobi na Alam paring mag respeto at mag bigay Ng insperasyon

    TumugonBurahin
  9. Pwede ko ba syang magamit as a declamation for our filipino subject.pls iibahin ko na lang po yung terms

    TumugonBurahin
  10. Maari ko bang makahingi ng permesyon na magamit to para sa interpretatibong pagbasa. Salamat po

    TumugonBurahin
  11. Goodevening po pwede ko po ba mahiram ang iyong pyesa gagamitin lang po namin sa aming subject ... maraming salamat po .. godbless

    TumugonBurahin
  12. pwede po ba pang audition? thanks in advance po

    TumugonBurahin
  13. pwede ko po ba hirain ito pang declamation namin sa filipino

    TumugonBurahin
  14. Hiramin ko po sana ito lang declaim sa finals po namin.

    TumugonBurahin
  15. Maaari po bang hingin ang inyong permiso na gamitin ang piyesa na ito para sa isang pagtatanghal ng aking anak sa Filipino? Maraming salamat po.

    TumugonBurahin
  16. Pwede pong bang hiramin ang akda mo? for final project video lang po.

    TumugonBurahin
  17. Pwede po bang hiramin ang piyesa? For finals lang po tungkol sa deklamasyon :) Salamat po!

    TumugonBurahin
  18. pwede po bang hiramin po? thank you po :)

    TumugonBurahin
  19. permission to use the piece for our school activity. You can reach via my email add po. evangelinesabaway@gmail.com. thank you po

    TumugonBurahin
  20. pwdi po bang hiraming ang piece . salamat po

    TumugonBurahin
  21. Maari ko po bang magamit ang inyong piyesa

    TumugonBurahin