Bakit niyo ako tinitignan? Hah? Lagi naman eh. Basta pag ako ang pag-uusapan lagi nalang masama ang nasasabi niyo. Lagi nalang akong masama sa mga paningin niyo. Bakit? Ganon ba ako kasama sa mga panignin ninyo? Hindi ko rin alam. Ewan ko sa inyo.
Ano bang problema niyo?... ha?... ako? Akong ang problema niyo? Bakit? Sabi ko bang problemahin niyo ako? Ewan ko rin sa inyo. Sino ba ako para problemahin niyo? At sino ba kayo para problemahin ako? Hay.. ewan ko sa inyo.
Pero bakit ba laging ang sama ng tingin niyo sa’kin? Bakit? Dahil ba sa pasaway ako? Lagi naman ‘di ba? Para sa inyo, wala na akong ginawang tama..
Bakit ba kayo ganyan? Lagi niyo nalang sinasabi, hindi niyo alam ang gagawin niyo para hindi na ako maging problema dito. Eh ako, ano naman naya ang dapat kong gawin para ‘di niyo na ako problemahin?
Simple lang akong tao. Katulad niyo. Katulad niyo rin akong may pangarap. May mga hinahangad sa buhay. Katulad niyo, nangarap rin akong magkaroon ng isang masayang pamilya. Pero nasan na nsa ba ang pamilyang iyon? Yan ang dahilan kung bakit ako ganito..
Si mama, laging wala, laging nagtatrabaho. Halos ‘di ko na madatnan dito sa bahay, umaga’t gabi, kasi laging nasa trabaho. Habang si tatay nanaman, nasa ibang bansa. Ngayon, sabihin niyo sa akin. Bakit ganito ako. Lagi niyong sinasabi, wala akong alam. Puro nalang lakwatsa ang ginawa ko. lagi nalang akong tumatambay kasama ang barkada ko. pero hindi niyo man lang inaalam ang totoo.
Lagi ako sa mga barkada ko, kasi sa bahay, walang makausap. Sa barkada ko, masaya, sa bahay hindi. Sa knila ko naramdaman ang diwa ng isang pamilya. Sila ang tumutulong sa’kin sa mga problema ko. pero lagi niyong sinasabi, mga “B.I” ang mga barkada ko. pero hindi niyo nararamdaman kung gano namin kamahal ang isa’t isa.
Yan ang hirap sa inyo eh. Magaling kayong manghusga ng mga taong hindi niyo naman talaga kilala. Pero pag nakita niyo na ang tunay na dahilan, nagbubulag-bulagan lang kayo. Ganyan naman ‘di ba? Laging kayo nalang ang tama. Laging ako nalang ang mali. Kelan ko ba makakamit ang tunay na pag-unawa niyo? Kelan niyo ba matatanggap ang isang katulad ko. para sa inyo, ang isang kabataang tulad ko, ay hindi pag-asa ng bayan, kundi salot ng lipunan. Pero sana naman, intindihin niyo rin ang isang katulad ko. dahil hindi panghuhusga ang kailangan ko. kundi ang tulong niyo. Ang kalinga niyo. Pag-unawa. Nay, tay kailangan ko kayo.
pwedeng magamit pangdiclaim? okay lang kung hindi niyo gusto.. i understand..
TumugonBurahin