Sabado, Oktubre 1, 2011

INAY! ITAY! NASAN PO ANG KALINGA NIYO???

Hay! Kakapagod talaga mamasyal.. hmmm…. Ano bang pwedeng makain???
            Lintik naman oh.. walang pagkain… asan nanaman ba ang mga tao dito??? Nu ba naman,,,, panigurado, nasa casino nanaman si mommy at naglalaro ng poker kasama ang mga kumare niya.. at si daddy? Hayun nanaman at nakikipag inuman…
            Ikaw!? Oo ikaw!!! Bakit mo ako tinitignan? Bakit ka ganyan makatitig? Huh?? Dahil ba sa suot ko? Sa makapal na make-up ko?? Bakit?? Dahil ba sa isa akong “bad Girl” na maituturing? Huh.. sino ka ba sa tingin mo??
            Lagi ko nalang sinusumbatan ang mga magulang ko.. tumatakas ako sa klase ko at madalas akong makipagsumbatan sa teacher ko. Suki ako ng principal’s office… oo, ganyan ang tingin niyong lahat sakin… without even knowing “why”? ganyan naman diba? Madalas niyong husgahan ang isang katulad ko dahil sa mga suot at mga panlabas na mga Gawain namin… napaksama ko na sa mga paningin ninyo… pero hindi niyo alam kung bakit ko ginagawa ang mga ‘to.
            Ang mommy, lagi siya sa casino,… gabi gabi nalang siya dun kasama ang mga barkada niya,.. ni hindi ko na maalala ang huling pagkakataong na nagkasalo kami sa hapag. Ni hindi ko maalala ang pabarito niyang putahe.  Hindi ko na natitikman ang kanyang luto.. lahat nalang ng aruga at kalingang nararamdaman ko, ay kay yaya.,. halos ‘di ko na kilala si mommy. Ang alam ko lang tungkol sa kanya ay ang kanyang pangalan at kung ano ang madalas niyang gawin. Yun ay ang poker. Hindi ako nakarinig ng kahit na anong payo galing sa kanya. Ni ang sabihing: anak, ingat ka sa pagpasok.”, hindi ko narinig mula sa kanya. Lahat nalang, kay yaya,.. yaya dito, yaya doon.. si daddy naman, lagi nalang kaming nagsusumbatan. Sigawan dito, sigawan doon… isang araw nga, nabugbog niya ako dala ng kalisangan niya. Kaya masisisi ba nila ako kung ginito ako.? Hindi ako matatawag na pasaway na anak, dahil hindi ko naramdaman na anak nila ako. At isa pa, wala silang mga payo na sinusuway ko, dahil hindi nila ako pinapayuhan.
            Pero lagi nalang akong nasisisi. Salot daw ako. Dumi na pamilyang ‘to. Minamarkahan ko daw ng kasamaan ang pangalan ng pamilya namin. Pero magkakaganito ba ako kung hindi nila ako pinabayaan. Alam niyo ba kung saan ko naramdaman ang pagmamahal ng isang kapatid? Ina? At ama? Sa mga kaibigan ko. Na sinasabing salot sa lipunan,.  Pero sa likod ng bawat panghuhusga ay ang puso ng isang batang naghahangad ng kalinga ng isang ina at isang ama. Isang buong pamilya. Pamilyang magkakaharap sa hapag. Magkakasamang hinaharap ang bawat pagkakataon.
            Pero nasan sila? Nasan ang mga magulang na dapat ay itinatama ang bawat pagkakamali ko? Wala!!! Wala!!! Wala!!! Kasi nandun sila. Nandun sa mga taong mas pinahahalagahan nila. Matatawag pa ba itong isang pamilya? Nasan ang ama? Ang haligi ng tahanan? Ang ina?? Nasaan ang itinuturing na ilaw ng tahanan.. wala.. wala sila… ako nalang… pero kahit ganon, mahal na mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Kahit hindi sila naging mabuting magulang sa akin. Sana man lang masabi ko sa knila ang mga katagang “Nay, ‘tay, mahal na mahal ko po kayo.” Pero ‘dko magawa dahil wala sila.
            Ngayon niyo ako husgahan. Ngayon niyo ako sisihin sa pangyayaring ito. Kaya ko lang naman ‘to ginagawa ay para mapansin nila ako. Para kahit lahat ng pagkakamali ko ay mapansin nila. Pero wala parin. Masisisi pa ba ninyo ako?
            Nay? Itay? Nasan po kayo? Nasan po ang kalingang matagal ko nang hinahangad na maramdaman? Hanggang dito na lang po ba?? Nasan po kayo??? Kailangan ko po kayo.. nay! Tay!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento