Magandang araw po sa inyong lahat. Ito po pala ang bahay namin. Dito ko madalas gawin ang mga bagay na hilig ko. Tulad ng magbasketbol. Makijaming kasama ang mga barkda ko. Ang totoo niyan, dito na rin ang tambayan namin. Hindi ako madalas gumala dahil dito lang talaga ako sa bahay. Pagkatapos ng klase, dito na ang diretso ko. Kaya sabi nila, napakamasunurin ko raw na anak. Pero akala niyo ba, yun lang?
Hindi.
Oo, matatawag nga itong bahay, pero hindi ‘to matatawag na isang tahanan. Wala palagi ang aking ina. Laging lumalabas para magtrabaho. Ang aking ama naman, nasa Taiwan. Isa siyang OFW. Sabi ko nga kay mama, bakit kelangan pa niyang magtrabaho eh nagtatrabaho naman na si papa sa abroad. Pero ang sabi lang niya, “anak para sa inyo ‘to. Para sa inyo ni baby.” Yun lamang ang kanyang naging tugon.
Ah, nabanggit ko. Oo, may kapatid ako. Si Junior. Siya nalang lagi ang bida. Lagi na lang sasabihin sa’kin ni mama, “alagaan mo si juior ah” “Umuwi ka nang maaga” “Pakainin mo si Junior”. Lagi nalang si junior.
Lagi ko nalang problema si junior. Kahit pag gumagawa ako ng assignment at gumawa siya ng ingay, lagi nalang akong agrabyado. Hindi ko na natatapos ang mga takdang aralin. Lalo na kapag wala si mama. Pati pag walang trabaho si mama, wala pa rin siya rito. Kasi lagi nalang niyang inaasikaso si Junior. Para ngang wala ako rito eh. Si Junior ang may bagong damit. Siya ang inaalagaan. Lagi na lang si Junior. Siya na lahat. Siya ang paborito ni mama. Siya naman ang problema ko. Inisip ko nga, sana ‘di na siya dumating sa buhay ko.
Isang araw, nawala ang problema. Magkakasama kami ng aking mga barkada ditto sa bahay. Ang saya namin. Sa aming katuwaan, narinig namin ng aking mga kasama ang iyak ni junior. Napakalakas nito. Mas malakas kaysa sa normal na iyak ng isang tatlong taong gulang na sanggol.
“Tignan mo muna yang kapatid mo.”
“ayoko, tatahan rin yan mamaya.”
“Istorbo naman oh.”
Maya-maya pa ay nawala na ang matinis na iyak.
“salamat at tumigil”,
Natahimik lamang ang aking mga kaibigan. Nagtinginan sila sa akin. Binalot ng kaba ang aking pagkatao. Kabang hindi ko maintindihan. Hanggang nagwika ang aking kaibigan.
“tigan mo na si Junior.baka nagugutom na yun.”.
Nang biglang bumukas ang pintuan ng aming bahay. Si mama iyon. Lihim akong nagpasalamat dahil siya na ang bahala kay junior at wala nang mang-iistorbo sa’min ng mga katropa ko.
Dumeretso si mama sa silid kung san naroroon si junior. Bigla nalang humiyaw.
“Junior ko!!!!” daing ni mama. Nagulat kaming lahat sa kanyang sigaw. Mas lumakas ang aking kaba. Anong nangyari kay junior?
Mabilis kong tinungo ang silid. Doon, naratnan ko si mama, umiiyak. Karga karga niya si Junior. Duguan ang ulo. “Bakit mo pinabayaan ang kapatid mo. Bakit? Bakit mo ginawa ‘to?”
Hindi ako makapagsalita. Binalot ang aking pagkatao ng galit. Galit sa aking sarili. “Bakit ko nagawa iyon sa aking kapatid? Kasalanan ko ‘to… kasalanan ko ang bagay na ito. Kung hindi ko siya pinabayaan, hindi sana’y buhay pa ang aking kapatid magpahanggang ngayon. Kasalanan ko ito. Bakit? Bakit ko nagawa ito sa aking kapatid?
Mula non, nagsimula nang maging matamlay ang aking ina. Hindi man ako ang sinisisi niya sa nangyari, palagi ko paring sinisisi ang aking sarili. Ako. Ako. Ako ang dahilan ng pagkasira ng pamilyang ito. Pano ko nga ba maibabalik ang pamilyang ako ang nagging dahilan ng pagkasira nito.
Ngayon, pinapangako kong hindi ko na gagawin sa bago kong kapatid ang ginawa k okay Junior. Pinapangako kong aalagaan at poprotektahan ko siya sa kahit na anong panganib. Hindi na mauulit pa ang nangyari kay junior.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento